Paalala sa Publiko

Release Date: 

Tuesday, August 17, 2021

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa pamamagitan ng PhilSys Registry Office (PRO) ay nakatanggap ng mga ulat na mayroong mga indibidwal at grupo sa iba't ibang social media platforms ang nag-aalok at nangongolekta ng kaukulang halaga kapalit ang assistance sa pag-book ng online appointment para sa Philippine Identification System (PhilSys) registration.

Ipinapaalalang muli ng PSA na ang rehistrasyon sa PhilSys ay LIBRE o WALANG BAYAD mula sa pag-set ng online appointment (Step 1 Registration), personal na pagpapakuha ng biometrics (Step 2 Registration), at pag-deliver ng Philippine Identification (PhilID) Card (Step 3 Registration). Tanging mga empleyado lamang ng PSA-PhilSys ang awtorisadong mangasiwa ng mga opisyal na transaksyon ng PhilSys registration.

Hinihimok ang publiko na maging alerto sa mga ganitong uri ng scam at i-report sa PhilSys hotline number 1388 ang sinumang indibidwal o grupo na nag-aalok at nangongolekta ng kabayaran para sa PhilSys online registration.

Para mag-register online, mag-log in lamang sa register.philsys.gov.ph at punan ang mga kinakailangang impormasyon.

Para sa mga opisyal na impormasyon tungkol sa PhilSys registration, magtungo lamang sa PhilSys website (https://www.philsys.gov.ph) o sa aming Official Facebook page (www.facebook.com/PSAPhilSysOfficial).  Magpaabot ng mensahe sa PRO sa pamamagitan ng hotline number o e-mail sa info@philsys.gov.ph.

 

DENNIS S. MAPA, Ph.D.
Undersecretary
National Statistician and Civil Registrar General

Attachment: 

Tags: